top of page

Ano Ba Ang Dapat?

  • Tula ni Yanna Pola
  • Aug 28, 2017
  • 1 min read

Lalaking iyong minamahal ay bumalik

Dapat bang pagbigyan pusong nananabik?

Puso’y nais ka, isip ay natatakot

Alaala’y bumalik at naghahakot

Sino ba ako? Ano ba ako sayo?

Ikaw ba at ako ay magkapareho?

Takot ba o sugal aking paiiral

Ikaw ba’y kalilimutan aking mahal?

Tanong ko, bakit ikaw pa at bakit siya?

Puso mo ay siya pa rin ba o ako na?

Photo credits to: Jen Armas

 
 
 

Comments


Build relationship through writing, create a world in your thoughts.

Yanniverse

© 2019 Yanniverse all rights reserved.

bottom of page