Papa
- Yanna Pola
- Oct 7, 2017
- 1 min read

Siya ang naghahatid sa eskwelahan
Siya din ang taga plantsa ng aking damitan
Taga luto rin siya ng baon kung minsan
Kapag walang pasok siya’y kalaro at kaibigan
Nariyan siya kapag nariyan na ang aking toga
Sa paglingon mo ngiti ay naka pinta
Sa mga naabot mo, siya ay masaya
Dun pa lang pakiramdam ay kampante na
Alam mong siya siya ay poprotekta sayo
Sa lahat, siya yung tagapagtanggol mo
Sa lahat ng ulan sa mata mo, siya ang panyo
Siya yung kahit anong mangyare di magloloko
Kilala siyang matikas at matipuno
Matibay at bato ang puso
Bumagsak man ang lahat ng unos, siya’y mananatiling nakatayo
Dahil siya ang nag iisang tatay mo
Mo, kasi wala naman ako nun
Oo, lahat ng iyan kwento ng karamihan
Galing sa mga tatay niyong pinapahalagahan
Sa tatay mong walang sawa kang poporotektahan
Comments