top of page

Para Kay Mama

  • Writer: Yanna Pola
    Yanna Pola
  • May 8, 2018
  • 1 min read

Matagal na nung huli akong sumulat

Panahon na nga ang nagsabi at nagmulat

Ito na ang araw na pinakahihintay ko

Mama kung nasaan ka, pakinggan mo

Mama, iyo pa bang naaalala?

Madalas hinahaplos ang aking mukha

Ikaw ang unang guro saking pagbabasa

Saksi sa lahat ng aking hirap at dusa

Lagi kang nandyan para sa gabay at payo

Kailanman di ko nakita na nag kulang ka dito

Pag taguyod sa amin iginapang mo

Ang lahat ng ito ay ipinagpapasalamat ko

Minsa o madalas tayong nagkakatampuhan

Sa likod ng lahat ng ito, di mo ko pinabayaan

Suporta at agapay laging nakalaan

Pero ang lahat ng ito ay hindi ko nasuklian

Maikli lang ang oras at huli na ang lahat

Kailan lang ako’y nasa iyong kamay at buhat

Ngayon, ang kwento mo’y tapos na sa pagsusulat

Hindi na kita makikita sa aking pagmulat

Di ko na mararamdaman ang iyong yakap at haplos

Tumutulo ang aking luha at humahangos

Namatay ka sa mga kamay ko

Huli mong sinabi, ‘mahal kita paboritong anak ko’

Panahon lumipas ngunit sariwa pa rin ang sugat

Pagmamahal mo sa puso ko ay naka ugat

Kay sarap isipin matatamis na alaala

Nag iwan ka ng ngiti at saya bago mawala

Kaya, espesyal ang araw na ito para sayo

Pero walang mas eespesyal dito pag magkasama tayo

Hanggang dito na lang ang sulat ko

Nagmamahal, Ang Paboritong Anak mo

 
 
 

Comments


Build relationship through writing, create a world in your thoughts.

Yanniverse

© 2019 Yanniverse all rights reserved.

bottom of page