Dumating Ka Na
- Yanna Pola
- Aug 26, 2018
- 1 min read

Ano nga ba ang pag-ibig para sa akin?
Sa totoo lang di ko alam ang ibig sabihin
Sabi nila yun ay di kayang bilhin at hingin
Yan ang paniniwala ko noong ikaw ay wala pa sa akin
Pero ngayon ay napagtanto ko na
Ito ang araw na dumating ka
Aso’t pusa noong tayo’y nagsimula
Ang lahat ng bagay ay dito nag umpisa
Ang dami nating pinagdaanan bago naging tayo
Pasensiya na, kailanman ako’y di nagka nobyo
Ako’y nagpapasalamat at di ka sumuko
Sapagkat hanggang ngayon pinaglalaban mo ko
Ngunit, lahat nga ba ng bagay ay may hangganan?
Darating nga ba tayo sa katapusan?
Ang ikaw at ako ay matatapos na ba ang kaligayahan?
Kung hanggang dito na lang, ako na ang lalaban
Hindi dahil sa gusto ko pa
Kundi, ikaw ang aking ligaya
Malinaw na sa akin na mahal kita
Ang lahat ng ngyari ay sapat na
Kaya’t hiling ko hintayin mo ako
Sapagkat darating na ako
Mabubuo na ulit ang tayo
Hindi na ako aalis sa piling mo
Comments