ANO NGA BANG GUSTO KO?
- Yanna Pola
- Oct 21, 2020
- 1 min read

Iba-iba ang gusto ng mga tao, kung tutuusin naka depende na yan sayo. Yung iba, materyal na bagay na kayang bilhin ng pera. May iba naman na, gusto lang maging masaya at maging malaya. Kung minsan, mas simple mas okay. Ikaw? Tingin mo, saan ka nabibilang?
Ano ba talagang gusto mo? Ano yung mag papasaya sayo? Sa totoo lang, isa lang naman yung gusto mo, maabot yung mga pangarap mo. Suportahan ka ng mga taong mahal mo. Yung imbes na pag dudahan ka sa mga desisyon na gagawin mo ay palitan nila ng lakas ng loob yung pang hihina at pag dududa na iniisip mo ngayon. Simple lang diba? Pero ang komplikado, kasi hindi naman lahat ng tao susuportahan ka sa mga gusto mo.
Kaya sana, kung dumating man yung panahon na may napatunayan ka na. Bumalik yung atensyon at pagmamahal na binigay mo sa ibang tao na dapat para sa sarili mo. Ibalik mo sa sarili mo yung nawala sayo. Sa bawat desisyon na gagawin mo laging mong tanungin, 'Ano nga bang gusto ko?'
Comments